Friday, September 18, 2026

Bakit Nagiging Bihira Lahat Ng Mga Bagay At Kaparaanan Sa Anime/J-Pop Culture sa Pilipinas? (Special Issue)

Bakit Nagiging Bihira Lahat Ng Mga Bagay At Kaparaanan Sa Anime/J-Pop Culture sa Pilipinas?



Maraming dahilan ang Pilipinas ang hindi nakakaalam sa mga bagay na inilalaan sa Anime/J-Pop Culture sa Pilipinas. Marahil ang mga Pilipino Anime/J-Pop Fans sa Pilipinas ay may mga idinadahilan sila o may mga bagay o paraan sila sa Anime, ngunit, karamihan sa mga hindi nila alam sa mga bagay na yan ay nakakaligtaan nilang alamin at nalalaktawan lamang ang ganitong paraan.

Marami kasi sa mga Pilipino, kahit ang mga kumpanya rito sa Pilipinas ay hindi gaano nasusuportahan ang mga bagay at mga kaparaanan sa Anime/J-Pop Culture sa Pilipinas, kaya sa iba sila nakikipagsapalaran o di kaya ay iba ang mga pinag-aralan nila, hindi lahat tumutugma sa mga kinakailangan ng Anime at J-Pop Culture sa Pilipinas, kaya sa iba sila napupunta.

Marami sa mga Pilipino Anime/J-Pop Fans ang hindi nakakaalam sa mga bagay at kaparaanan ng Anime/J-Pop Culture sa Pilipinas, dahil sa mga inaaral nila na hindi naman tugma o kulang talaga sa mga ganyang gawain, kaya napapansin natin kung bakit nga ba nagiging bihira na ang mga bagay o kaparaanan na inilalaan nila sa Anime/J-Pop Culture sa Pilipinas.

Halos ang mga Pilipino Otaku Fans ay umaasa sila sa ganyan, kaso pagdating sa mga ganyang bagay na hinahanap-hanap nila ay nagiging bihira na. Kahit i-search nila sa online ay napapansin natin na bibihira na at hindi na nakukuha pa ng mga Pilipino, ang mga katulad ng ginagawa ng ibang bansa, kaugnay sa mga bagay at kaparaanan sa Anime/J-Pop Culture sa kanilang bansa.

Ano ba kasi ang nagiging dahilan kung bakit nagiging bihira ang lahat sa Pilipinas, ang mga bagay at kaparaanan sa Anime/J-Pop Culture? Marahil kasi, sa dami ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans sa Pilipinas, hindi kasi sila natuto ng kahit ano, dahilan kung bakit nakatutok lang sila sa mga common o sa mga normal na paraan, kaya hindi nila napapansin yung wala talaga sa Pilipinas.

Maraming bagay na wala kasi sa mga Pilipino Anime/J-Pop Fans, marami ring paraan na hindi mapakinabangan ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans, kaya hindi tuloy makapagpasikat ang mga Anime at J-Pop sa Pilipinas, kasi nga, may problema sila sa kanilang pop culture.

Napapansin natin yung isa sa mga dahilan ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans, yung kahinaan nila kasi, dahil sa dami ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans sa Pilipinas ay bahagi sila ng mga Normies o ng mga simpleng tao. Oo, hindi kasi sila mga advance o professional na kagaya ng ibang tao sa ibang bansa. Kasi sa ibang bansa, kada tangkilik nila sa Anime at J-Pop, gumagawa na sila ng paraan ng maaga. Hindi kasi kagaya sa Pilipinas na simple lang, wala nang gagawin, ganun lang, hindi kasi sapat ang ganun o simple lang ang gagawin nila. Hindi kasi nila nalalaman yung iba pang gagawin.

Tingan natin yung halimbawa kung ano ang nagiging bihira sa kanilang bagay at kaparaanan sa Anime/J-Pop Culture sa Pilipinas. Ito yung katulad ng bakit nga ba walang Tagalog Subbed Anime kung saan-saan sa online. Madalas kasi hindi alam ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans na mayroon talagang alternatibo kung wala talagang available na ibang Anime na Tagalog Dubbed.

Eh ang mga Pilipino Anime/J-Pop Fans kasi, gusto nila ng Tagalog Dub only at English Sub only. Kaya madalas mag-away itong dalawang paraan na yan, kaya madalas nilang iniiwasan ang Tagalog Sub, dahilan mismo ng preferences ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans. Kaya ang Tagalog Subbed Anime ay nagiging bihira na, kasi kada search natin yan sa internet, lumalabas lang sa resulta ay Tagalog Dub, Tagalog Recap, at Puro English Subs lang ang lumalabas sa mga resulta.

Doon mismo nagiging kulang sa pansin ang mga Pilipino Anime/J-Pop Fans.

Kasi akala nila madali lang ang Tagalog Dubs at English Subs. Kaso sila rin ang may mali, kasi sila rin ang nagiging dahilan, kung bakit namimili sila ng Anime na puede lang i-Tagalog Dub at yung ibang anime, ayaw nilang tanggapin ang Tagalog Subs, gusto lang nila sa English Subs.

Kaya ang Tagalog Subs ang mahirap hanapin sa online, dahil sa patuloy na argumento ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans na mahilig sa Tagalog Dubs at English Subs.

Siyempre, yung ibang Anime kasi na hindi pa nasusubukang mag-Tagalog Dub ay talagang bumibihira na kasi, dahil sa patuloy lang sa pagpili ng Anime na bagay na mag-Tagalog Dub, gaya ng mga pili na Anime na katulad ng shounen na puro lalake o puro shounen anime ang kinukuha nila.

Siyempre, ang Pilipinas kasi, wala kasi sa mga Pilipino Anime/J-Pop Fans ang nakapag-aral o nakatuklas ng paggawa ng Tagalog Subtitles sa mga Anime na kilala o di-kilala.

Halos kasi ang mga kurso na kinukuha nila, wala kasi silang subject o aralin na makakagawa ng Tagalog Subtitles para sa Anime. Kasi sa dami ng Tagalog Dub Industry sa Pilipinas, hindi kasi nagagamit sa Bagong Anime, kaya ang karamihan sa kanila ay napupunta lang ang mga dubbers sa pag-dub ng korean drama at pelikula. Halos ang Bagong Anime kasi ang wala talaga.

Malamang sa cable TV channel lang available ang mga Tagalog Dubbed na Bagong Anime, sa online, wala kang makitang Tagalog Subbed Anime, dahil sa mga Pilipino Anime/J-Pop Fans na nakatutok lang sa mga English Subbed Anime, kung saan-saang website o sa ibang video streaming sites.

Kahit sa mga online platforms o videostreaming platforms sa ngayon, wala tayong makitang Tagalog Subbed Anime, kasi ang mga Pilipino Anime/J-Pop Fans, palaging pine-prefer nila ang English Subs.

Yan ang mali sa mga Pilipino Anime/J-Pop Fans. Kasi ang Tagalog Subbed Anime, kung kailan nagkaroon ng ganyan ay buburahin lang pala ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans sa pamamagitan ng pagtutok lang nila sa mga Anime na puro English Subtitles lamang. Yan ang maling paraan na ginagawa ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans at doon sila nagiging walang ambag sa Anime/J-Pop Culture. Madaming Anime ang hindi nakasubok ng Tagalog Dubs, madaming Anime rin ang hindi nakasubok ng Tagalog Subs. Siyempre, nagiging lost method na kasi ang Tagalog Subtitle.

Eh ang mga Pilipino Anime/J-Pop Fans kasi, patuloy lang kasi sila sa pagyakap sa English. Kasi ang Pilipinas ay hindi nila mapag-aralan ang paggawa ng subtitle, may internet naman. Palibhasa kasi, ayaw nilang tuklasin ang paggawa ng Tagalog Subtitles sa Anime, kaya sila nagiging kontra sa sarili nating wika. Kahit wala ngang naka-available na Tagalog Dubbed Anime na ganitong title, alam naman natin na hindi talaga kaya ng Tagalog Dub kasi ang iba pang Anime kesa doon sa pili lamang.

Eh yung mga argumentador at argumentadora sa Anime/J-Pop Fandom sa Pilipinas, eh sila-sila nagsasabong, dahilan para ang Tagalog Dubs at English Subs ay para lang piliin ng mga Pilipino. Hindi baga'y subukan naman nila ang Tagalog Subs. Napapansin natin na hindi man lang napapansin. Eh dahil sa dami ng mga Tagalog Dub Defenders at English Sub Supporters, sila naman talaga ang talo sa huli, hindi yung mga naghahanap ng Tagalog Subbed Anime na mahirap hanapin sa internet at maging sa online streaming platform, dahil sila ay gusto rin nila ng Tagalog Subs.

Eh yung mga Tagalog Dub Defenders na nagagalit sa mga Anime/J-Pop Fans na naghahanap ng Tagalog Subbed Anime, alam natin na mali ang ginagawa ng mga defenders na yan.

Eh yung mga English Sub Supporters na nanghaharang laban sa Tagalog Subbed Anime, hindi talaga sila nababagay sa Pilipinas, dahil hindi naman talaga America para mag-ingles rito.

Alam naman natin kasi ang mga Pilipino Anime Fans na tanggol ng tanggol sa Tagalog Dubs at suporta ng suporta sa English Subs, hindi talaga tunay na otaku fans sa totoong buhay.

Mismo kasi, karamihan sa mga yan ay mga huwad na otaku sila at sarado ang mga isipan nila.

Kasi ang Pilipinas ay talagang pugad ng mga hipokrito at ayaw sa ibang pamamaraan, kaya hindi tuloy napipili ang wikang Pilipino, para magamit sa mga Anime Series, gaya ng Tagalog Subs na lagi na lang bihira at hindi tuloy lumalabas sa mga resulta, dahil sa patuloy ang awayan ng mga Tagalog Dub Defenders at English Sub Supporters sa Pilipinas. Oo, hindi talaga sila marunong sa Tagalog Subs, dahil nga, wala nga silang alam o hindi talaga nila napag-aralan ng maaga, dahilan ng pagiging sarado ang isipan nila o limitado ang mga isipan nila, pagdating sa ganung paraan.

Kaya ang Tagalog Subs ang panalo sa labanan, dahil sila lang ang hindi kasi napapansin ng mga mararaming Pilipino Anime Fans, dahil sa pagiging ignorante at palaiwas sa sistema ng Tagalog Subs. Sapagkat, yung mga argumentador at argumentadora na Pilipino Anime Fans ang totoong talo sa huli, kasi, dahil sa sobrang pagkakainggit nila sa ibang bansa na gumagamit ng subtitles sa pamamagitan ng kanilang sariling wika nila. Kaya sila ang napapansin ng maraming bansa.

Kahit ang mga videostreaming websites ay mayroon silang subtitle na galing sa sarili nilang wika, eh ang Tagalog Subs lang kasi ang wala, dahil sa kainggitan ng mga Pilipino Anime Fans.

Dahil nga ang Tagalog Subs ay isa na ngang nakalimutan ng mga Pilipino Anime Fans, dahil sa pagiging saradong Tagalog Dubs at pagiging saradong English Subs Fans sa Pilipinas.

Hindi natin kasi sinasangayunan ang dalawang magka-away na pamamaraan ng panonood ng Anime, kasi sila ay mga hindi tunay na otaku fans sa Pilipinas at pawang sa bulaan sila napupunta.

Yan ang dahilan kung bakit hindi tayo sangayon sa mga Tagalog Dub Defenders at English Sub Supporters sa Pilipinas, dahil parehas silang hipokrito at masasama ang ugali nila.

Ngayon kahit wala ang Tagalog Subs sa bawat Anime, buti may sumasaklolo na lang, ang problema, AI ang paggawa o pag-generate ng Tagalog Subs. Minsan nagkakaroon rin ng error, minsan, nagkakamali rin ang AI subtitle, dahil nga hindi kasi gaano ka-accurate ang kanilang pagsasalin. Malamang na tinitiis na lang ng karamihan yan, kesa umasa sa mga Pilipino Anime Fans na ayaw sa Tagalog Subs. Talagang doon lang makakatagpo ang mga Pilipino Otaku Fans, sa mga AI generated subtitles, mula sa mga video software na madaling kunin ng libre ng kahit sino.

Kaya hindi natin masisisi ang AI subtitles, kung magkamali sila o talagang kailangan talagang pag-aralan yan ng mga Pilipino Otaku Fans, para maitama ng AI, ang mga mali sa pag-generate ng Tagalog Subtitles sa Anime at kailangan talaga nila pag-aralan, para ma-eliminate ang mga sagabal na error na humaharang sa pag-generate ng Tagalog Subtitles sa pinapanood nila na Anime.

Ngayon yung isa pang aalamin natin riyan ay ang katulad ng isa pang nawawala sa mga Anime Games, yung localization. Mismo ang mga Pilipino Anime Fans kasi, kada sa mga laro, hindi nila nalalaman na wala talagang Tagalog o Filipino Language sa mga Anime Games.

Mismong may isa ring problema riyan sa kawalaan ng pansin ng mga Pilipino Anime Fans, kung bakit kasi sa hilig nila sa mga English Subtitles sa Anime, ngayon hindi nila malaman na bakit wala kahit isa sa mga Anime Games ang gumagamit ng wikang Pilipino. Siyempre ang mga laro na nasa bulaang anime ay mayroong wikang Pilipino, eh paano ang mga Anime Games? Nananatili lang sa English ang mga Pilipino Anime Fans, dahil sa pagiging maka-Ingles ng mga Pilipino.

Alam naman natin kasi na walang masama gumamit ng wikang Ingles ang mga Pilipino. Subalit alam naman natin na dapat subukang gamitin ang wikang Pilipino sa mga Anime Games.

Napapansin natin kasi kung bakit nga ba nagiging bihira ang pag-localize ng Anime Games sa wikang Pilipino, dahil mahina ang Pilipinas pagdating sa kagandahan ng mga laro na hindi anime at madalas lang nila pine-prefer ang English kesa sa Pilipino. At hindi lang yan, mahina mag-invest ang mga kumpanya ng mga Anime Games na makagawa ng localization sa Pilipinas na para sa mga Pilipino, dahil sa kawalan ng interes ang mga Pilipino sa pagpayag nila magamit ang Wikang Pilipino sa Anime Games. Siyempre, ang may wikang Pilipino ay ang mga hindi naman laro kasi.

Yung mga aktibidad ng mga nasa bulaang anime ng mga Pilipino, ayaw ipagamit ang wikang Pilipino sa mga Anime Games, kaya sa iba na lang sila nag-iinvest ng pagsasaling wika, kesa gumamit ng wikang Pilipino sa Anime Games. Malamang na labis kasi ang Pilipinas sa wikang Ingles, kaya walang wikang Pilipino sa Anime Games. Hindi talaga tama ang pagtutol ng mga Pilipino sa paggamit ng wikang Pilipino sa Anime Games. Hindi tayo dapat magmukhang makasarili sa bansang Pilipinas.

Kaya mapapansin natin yung mga Anime Games sa ngayon, nahahayaan lamang nila ma-exclude ang wikang Pilipino, kasi nga, wala nga talagang nag-iinvest sa wikang Pilipino at hirap ngang makakuha ng suporta galing sa iba. Ganyan ang nangyayari sa mga Anime Games, kasi, hirap sila makapag-invest rito sa Pilipinas, dahil nga sa restriction sa FDI (Foreign Direct Investment) sa Pilipinas.

Isipin sana nila yan, dahil ang Pilipinas ang may gusto niyan, kaya sa kawalaan ng suporta ng mga Pilipino sa Anime Games, kahit sa sarili nating wika, sila ang dahilan, kung bakit nagiging bihira na ang paggamit ng Wikang Pilipino sa mga Anime Games, dahil nga sa patuloy sa pagbabalewala ng mga Pilipino sa Anime Games at pagkakawala o di pagsangayon sa paggamit ng wikang Pilipino.

Hindi natin masisisi ang mga Pilipino Otaku Fans sa ganyan, dahil alam nila na bakit nila tinitiis ang English Language sa mga Anime Games, dahil sa kawalaan ng Tagalog Languages sa mga Anime Games na nilalaro nila. Malamang na hindi na kasalanan yan ng mga Anime Game Developers yan, kasalanan na yan ng mga Pilipino yan at hindi ang mga Pilipino Otaku Fans ang may gawa niyan.

Siguro sa hirap gamitin ang wikang Pilipino sa paggawa ng Tagalog Subs at paggamit ng wikang Pilipino sa pag-localized ng Anime Games, maaari natin sabihin na isa na sila sa mga forgotten method o lost method sa Pilipinas na hindi napapansin ng mga Pilipino Anime Fans, dahil sa pagiging Normie sa karamihan nila. Siguro ganyan ang buhay nila na walang ambag sa Otaku.

Ngayon, kahit naging bihira na ang Tagalog Subs at Tagalog Translation sa mga Anime Games, paano kaya ang Tagalog Scanlation ng Manga, Doujin, at Light Novels, isa na ring bihira rin na paraan yan na hindi alam ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans. Malamang na basa lang sila ng basa, subalit, wala silang alam sa scanlation, kaya sila nagbabasa lang ng walang wikang Pilipino sa ganyang babasahin.

Mismo sa kahinaan ng mga isipan ng mga Pilipino Anime Fans, hindi nila nalalaman ang ganyang uri ng pagsasaling wika sa Manga, Doujinshi, at Light Novels, dahil wala silang kakayanan sa pagtataguyod ng scanlation sa kanilang grupo, kaya nahahayaan lamang nila na maging tagabasa lang at wala na silang iaambag pa na parang katulad lang ng simpleng nood lang ng Anime at wala na silang ibang gagawin. Yan ang kamalian ng mga Normie na Pilipino Anime Fans sa Pilipinas.

Halos ang Tagalog Subs, Tagalog Scanlations, at Tagalog Translation sa Anime Games ay nagiging bihira na ang lahat. Patuloy ang pagbabalewala ng mga Pilipino Anime Fans sa paraan na yan.

Siguro dahil sa kawalaan ng kakayanan, nagiging agresibo sila pag pinagsabihan, mang-iinsulto sa nagtuturo dahil sa pagiging isip-Normie kasi o pagiging walang alam, hindi na yan maiiwasan yang mapagsabihan sila, dahil mali na kasi ang kanilang pamamaraan nila sa Anime/J-Pop Fandom.

Pagiging simple at pagiging Normie lang, walang ambag sa Anime, hindi tunay na Anime Fans ang ganyang ginagawa nila. Sila mismo ang nagpapabagsak sa Anime/J-Pop Fandom sa Pilipinas. Talagang hindi tunay na otaku ang mga Pilipino Anime Fans, kung ganyan lang sila.

Kahit ang Otaku sa kanila ay nagiging bihira na, cosplay ay nagiging common sa kanila, fujodanshi ay nagiging common sa kanila, shounen ay nagiging common sa kanila, tagalog dubs at english subs ay nagiging common na sa kanila. Halos ang para sa mga Pilipino Otaku Fans ay nagiging bihira na.

Ang Waifu Culture ay nagiging bihira na sa Pilipinas, pero ang husbando culture ay nagiging common na. Ang Bishoujo at Ecchi ay nagiging bihira na, subalit ang otome, ikemen, at yaoi ay ginagawa nilang common sa mga Pilipino. Yan ang kamalian ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans.

Hindi nila alam na ang mga bagay na mapapansin nila at makikita nila ay bakit walang ganito at walang ganyan sa Pilipinas, dahil sa pagiging mapili lang sila sa mga bagay na hindi naman nagugustuhan ng mga Pilipino Otaku Fans at masyado na ngang overrated ang mga underrated na sinasangayunan ng mga minorya na Pilipino Anime Fans sa Pilipinas, dahil hindi na kasi yan patok sa ibang bansa ang ginagawa ng mga Pilipino Anime Fans. Oo, yan kasi ang mali na nagawa ng mga Pilipino Anime Fans.

Hindi kasi marunong maka-unawa ang mga Pilipino Anime Fans ng tama, kaya sila nahulog sa mali.

Alam naman natin na ang maling paraan sa Anime/J-Pop Fandom sa Pilipinas ay may katumbas yan. Yan ay ang hindi nila pagtuklas sa iba pa, kesa sa mga bagay na hindi naman nagugustuhan ng mga Pilipino Otaku Fans. Siyempre, ang mga Pilipino Otaku Fans, hindi nila gusto yung mga common na ginagawa ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans sa Pilipinas, kasi hindi naman bagay sa mga Pilipino Otaku Fans ang mga bagay at paraan ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans.

Yung sobra sa puro lalake, ginagawang common ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans sa Anime/J-Pop Culture sa Pilipinas, pero yung puro babae ay ginagawa nilang bihira. Yan ang mali kasi sa mga Pilipino Anime/J-Pop Fans. Sobra sa puro lalake, nagiging toxic naman sila sa Anime/J-Pop Fandom.

Wala kasi silang choice, kundi ang manatili sila sa maling paraan.

Samantala, alam naman natin kasi yung mga bihira ay hindi nila nasusubukan, kasi sa sobrang liit ng espasio ng isipan ng mga Pilipino Anime Fans sa bagay at paraan ng Anime, wala sa kanila ang pagpasok sa isipan nila yung hindi napapansin ng mga kapuwa nila Pilipino Anime Fans na ano ang wala talaga sa bagay at paraan na inilalaan mismo sa Anime/J-Pop Culture sa Pilipinas.

Mismo, napansin natin ang ano ang bihira na hindi alam ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans, yun ay ang kawalaan nila ng kaalaman sa ginagawa ng ibang bansa na gumagamit sila ng paraan at bagay na inilalaan nila o inaambag nila sa Anime at J-Pop Culture sa kanilang bansa.

Siyempre, maraming Pilipino Otaku Fans ang bukas ang isipan, kasi alam nila na yung mga bihira kasi ang hahanapin nila kesa yung sa Pilipinas na masyadong ginagawang common ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans, yung mga bagay at paraan na masyado na ngang obsolete at toxic pa.

Napapansin natin kasi yung kaugalian ng mga Pilipino Anime Fans sa ngayon, mga Normies kasi ang karamihan, at ang iba ay galing pa sa grupo ng mga huwad na otaku fans na gaya ng mga Otome Fanatics, Shounen Fans, at Pnoy Kpop Stans. Siyempre, sa dami ng mga Pilipino Anime Fans na kabilang sa mga huwad na otaku ay sila rin mismo ay mga tiwali at naalis sa Anime/J-Pop Fandom.

Ang mga Pilipino Otaku Fans ay hindi kumakampi sa mga Normie na Pilipino Anime Fans, kasi karamihan sa mga Normie na Pilipino Anime Fans ay wala talagang alam sa mga bagay at paraan na ginagawa mismo ng mga Pilipino Otaku Fans. Siyempre hiwalay ang mga Pilipino Otaku Fans sa mga Pilipino Anime Fans, dahil sa hiduwaan ng dalawa at hindi pagkakaintindihan ng dalawang panig.

Mismo ang mga Pilipino Otaku Fans ang naghahangad na maihatid sa Pilipinas, yang mga bihirang paraan at bagay na wala sa Anime/J-Pop Culture sa Pilipinas, upang umpisahan yan ng mga kabataang Pilipino na nagnanais na maging Otaku Fan sa simula hanggang sa huli.

Sana ang mga bihira na bagay at paraan ay mapansin yan ng mga Pilipino, upang hindi mahayaan ang Anime/J-Pop Culture sa Pilipinas na maging walang kabuhay-buhay at sana buhayin ang Otaku Culture sa Pilipinas, upang makita at mapakinabangan ng mga kabataang Pilipino, upang makahabol sila sa mga bagay na hindi pa nasusubukan ng mga Pilipino.

Ang Anime at ang J-Pop ay kailangan talaga yan ng mga Pilipino Otaku Fans, upang matuto sila sa kultura ng mga Hapon, dahil doon lang talaga ang kagandahan nito at hindi sa mundo ng mga Normie na Pilipino sa Pilipinas. Siyempre, ang bihira ay dapat mapansin at magawa ng maaga, upang hindi lumala ang pagiging wala sa Pilipinas ang ganyan, hindi natin dapat hayaan na lang na maging rare culture ang Pilipinas, pagdating sa mga bagay na hindi nasususbukan ng mga Pilipino.

Subukan natin yang Tagalog Subs, Tagalog Scanlations, Tagalog Localization, at marami pa, para mapansin ng mga Pilipino yang hinahanap ng mga Pilipino Otaku Fans, at dapat nilang malaman na wala talagang masama sa mga yan. Hindi natin ipinagpapalit ang iba sa ganyan, dahil gusto lamang natin buuhin ang ganitong bagay, upang matuto lamang ang mga kabataan sa bagay na yan.

Ang Anime at ang J-Pop ay parte pa rin sila ng Otaku, dahil sila lamang ang nararapat mapansin ng mga kabataang Pilipino at hindi sila maisahan ng mga huwad na otaku na hindi naman talaga tunay ang kanilang pakay sa mga kabataang Pilipino. Sana maibahagi ang tama at huwag lumapit sa mga maling paraan na nagbibigay ng maling pagkilala at maling gawain sa Anime/J-Pop Fandom.

Ang mga Pilipino Otaku Fans pa rin ang totoong tagapagpalaganap ng Otaku Culture, kesa sa mga Pilipino Anime Fans na wala naman kakayanan sa mga bagay na ginagawa ng mga Otaku Fans.

No comments:

Post a Comment

Featured Post by A and R Community

Bakit Nagiging Bihira Lahat Ng Mga Bagay At Kaparaanan Sa Anime/J-Pop Culture sa Pilipinas? (Special Issue)

Bakit Nagiging Bihira Lahat Ng Mga Bagay At Kaparaanan Sa Anime/J-Pop Culture sa Pilipinas? Maraming dahilan ang Pilipinas ang hindi nakakaa...

Ranked Popular Post (Changes will apply if they view it again)