Tuesday, November 3, 2026

NSI-9: Ano Nga Ba Ang Ibig Sabihin Ng Small, Medium, Large, Minor, Major, At Grand Sa Mga Anime/J-Pop Events Sa Pilipinas? (Special Issue)

NSI-9: Ano Nga Ba Ang Ibig Sabihin Ng Small, Medium, Large, Minor, Major, At Grand Sa Mga Anime/J-Pop Events Sa Pilipinas?



Marami o iilang Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ang naglilitawan, dahil mismo sa dami ng mga Pilipino Otaku Fans ang nagtutungo sa mga conventions, kada taon.

Mismo ang hindi nila alam sa mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay ang pinagkaiba ng mga nilalaman at mismo sa loob ng convention, kaya madalas nila malaman ang mga bagay na hindi nila mapansin sa loob ng Anime/J-Pop Convention. Malamang na may mga level ang ganitong Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, kung ano nga ba ang ibig sabihin ng mga nasa Anime/J-Pop Events sa Pilipinas. Sa anim na uri ng Anime/J-Pop Events sa Pilipinas na pinupuntahan ng mga Otaku Fans.

Ito yung mga Anime/J-Pop Events na nasa small, medium, large, minor, major, at grand na Anime/J-Pop Events sa Pilipinas na kadalasan inaabangan ng mga Pilipino Otaku Fans sa Pilipinas.

Iisa-isahin natin ang mga uri na kadalasan nilang napapansin sa kanilang pupuntahang events.

Una: Ang Small Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay isa lamang na hindi gaano kumpleto at pawang small-scale lamang yan, dahil diyan ay tinitipid lamang nila ang budget, at hindi gaano sila nag-iimbita ng international guest, dahil pawang cosplay activity lang at pawang local lamang ang guests nila. Hindi pa sila gaano ready sa mga Japanese Guests, dahil sa maliit ang budget nito.

Samakatuwid, may mga booths, at mayroon rin activities na kadalasan nangyayari sa ganyang uri ng Anime Events. Minsan nagiging libre ang entrance, minsan may bayad.

Halos ito ang pinipili kasi ng mga Pilipino Otaku Fans, para makatipid sila sa pera, para may maipang-gastos sila sa mga bibilihin sa Anime Events, kesa wala silang gagawin.

Mismong kumikita rin naman kahit papaano ang Anime Events sa isang small-scale method, kaya sila madalas makagawa ng maraming aktibidad at maraming merchandise.

Pangalawa: Ang Medium Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay isa lamang na naiiba sa small-scale Anime Events, dahil ito ay isang medium-scale Anime Events nag-iimbita sila ng iilang sikat na local, minsan isang international guest lamang, kadalasan sa cosplayers lang naka-reserba ang international guest nila, minsan bihira lang sa kanila ang Japanese Guest.

May kalawakan o mangilan-ilang booths and merchandises ang naririyan sa loob ng medium-scale Anime Events, may artist booths, may konting food booth o store, at madalas may tinda ring laruan na galing sa ibang bansa, katulad ng mga Anime items na nabibili sa Anime Events.

Mismo may aktibidad ng cosplay, minsan may pa-contest, at minsan may palaro sila.

Madalas nagiging libre ang entrance nito, minsan meron ring bayad ang entrance.

Pangatlo: Ang Large Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, ay isa lamang na malaki, kumpara sa medium Anime Events, dahil ang madalas nilang maidagdad rito ay ang bilang ng international guests, minsan, isa lang muna sa Japanese Guests, at bihira lang ang Anisong Guests, dahil hindi gaano sapat ang budget, para sa Japanese Guest na dadalo sa large-scale na Anime Events sa Pilipinas, kaya nila ginagamit ng mga organizers, ang paraan na small and medium Anime Events sa malaking events. Kaya madalas puntahan ito ng mga Pilipino Otaku Fans.

Mismo kaya nila nilakihan lang ang bilang ng mga booths, merchandises, food stalls, at artist alleys, dahil sa dami ng pagpipilian ng mga Pilipino Otaku Fans sa loob ng large Anime/J-Pop Event.

Madalas itong nagiging libre, madalas itong nagiging may bayad ang entrance nito.

Kaya dito lang nagiging sapat ang kasiyahan ng mga Pilipino Otaku Fans, sa pinagsamang small-medium sa large Anime/J-Pop Events, dahil nakamura sila sa pagpasok sa event na ito.

Mismo ang Small-Medium-Large Anime/J-Pop Events ay may kakaiba lang ito, na wala sa bahagi ng kanilang Anime/J-Pop Events, at yon ay ang tatlo pang malalaki na Anime/J-Pop Events sa Pilipinas na mistulang malalaki at may kamahalan lang ito, kumpara sa tatlong nasabing uri ng Anime/J-Pop Events sa Pilipinas na napupuntahan lang ng mga umaasa sa libre at murang event.

Pang-apat: Ang Minor Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, isa ring itong naiiba sa small, medium, at large Anime Events sa Pilipinas, dahil focus lamang ito sa international guests, at hindi pa sila ready sa mga Japanese Guests, dahil nga sa focus lang sila sa maliit na bagay na ginagawa ng mga organizers, sa naturang uri ng Anime/J-Pop Events, dahil cosplay lang ang kanilang priority.

Mismong malawak ang bilang ng booths, merchandises, food stalls, at artist alleys, dahil maraming pagpipilian ang mga Pilipino Otaku Fans sa loob ng Anime/J-Pop Events na ito.

Madalas hati ang paraan sa entrance, minsan, nag-oorganize sila ng libreng Anime/J-Pop Event, minsan silang nag-oorganisa ng may bayad na Anime/J-Pop Event, kada taon.

Hindi sila nalulugi, kadalasan silang nakakagawa ng paraan sa pag-maintain ng Anime/J-Pop Event ng walang malaking gastos na nasasayang sa kanilang pondo sa pag-organize ng Anime/J-Pop Event.

Pang-lima: Ang Major Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay isa lamang na mega Anime/J-Pop Events na kadalasan hindi lang sila nage-guest ng international cosplayers, mismo nakakapag-imbita sila ng Japanese Guests, tulad ng mga Japanese Cosplayers, at Anisong Artists.

Kayang-kaya nilang imbitahin ng isa o tatlong Japanese Guests, kung kailangan, minsan VTubers, minsan Cosplayers, at minsan VA's, minsan Game Devs, minsan Manga Creators, minsan Anime Creators, minsan Illustration Artists, at minsan Idols at Seiyuus, at minsan cast ng Anime at Tokusatsu.

Kadalasan itong pinupuntahan ng mga Pilipino Otaku Fans, dahil sa malawak at malaking Anime/J-Pop Events, kung saan talaga ay maraming pagpipilian na pupuntahang booths, artist alleys, merchandises, food stalls, at marami pa. Madalas ang mga kaganapan at aktibidad sa loob at labas, dahil afford mismo ng iilang Otaku Fans, ang presyo ng entrance sa major Anime/J-Pop Events.

Mismo, iisa lang ang ang meron nito, pero, madaling bumalik sa minor Anime/J-Pop Events, kung may iilang affiliates sila na Anime/J-Pop Event series ang tinatakda nila, kada taon-taon.

Pang-anim: Ang Grand Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ang isa sa mga mega, engrande o ultimate, depende sa laki at lawak ng venue, kung saan ay mas mataas pa ito, kesa sa major Anime/J-Pop Events. Mismo, bihira lang mangyari ito sa Pilipinas, dahil sa ibang bansa lang ang nakakagawa nito.

Meron sa Pilipinas, subalit, hindi talaga umaabot ang major Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, sa ganitong level, dahil iilan sa bahagi nito ay hindi nila kayang kopyahin, ang mga grand Anime/J-Pop Events ng ibang bansa, kung saan, kumpleto sila sa mga bahagi ng kanilang events sa ibang bansa.

Mismo, may kamahalan nga lang ito sa entrance, dahil hiwalay ang presyo nito sa mga access sa bawat bahagi nito. Alam ng mga Otaku Fans, kung ano ang ticket tier ang mapipili nila.

Depende sa bilang ng merchandises, booths, artist alleys, food stalls, at iba pa.

Madaling makapanghikayat ng local at international guests, at maging ang mga Japanese Guests na tulad ng Cosplayers, Anisong Artists, VA/Seiyuus, Anime/Tokusatsu Casts, Anime, Manga/Anime Creators, VTubers, Media, Games, Game Devs, Game Publishers, Idols, at marami pa.

Kaya malaki ang kita ng minor, major, at grand Anime/J-Pop Events, dahil pawang mayayaman ang nag-oorganize, at depende sa mga con-goers ang nagtutungo, depende sa kaya ng budget nila.

Alam naman natin na hindi lahat ng mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay patok lang sa marami. Mismo ang mga Pilipino Otaku Fans, hanap nila yung mga bahagi na dapat subukan ng mga organizers, kesa mamili lang sila ng mababa at di-balanse na kanilang itatampok sa event nila.

Karamihan kasi sa mga Pilipino Otaku Fans, lagi nila hinahanap ang libre, minsan, may bayad.

Binabalanse nila yan. Hindi kagaya ng mga Pilipino Anime Fans, pilit nila yung gusto nila kesa sa iba na may gusto sa hindi maipatok sa kanila, alam natin na may hindi pagkakaunawaan ang Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, diyan sa dalawang panig na may hiduwaan sila sa mga gusto nila.

Alam ng mga Pilipino Otaku Fans na hindi sila katulad ng mga Pilipino Anime Fans na mukhang pinipili nila ang Anime/J-Pop Events na puro pili lang ang nakikita nila at doon lang sila nakukuntento. Alam naman natin na mayroon ring maling paraan ang mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, dahil sa sinusunod nila yung gusto ng mga Pilipino Anime Fans.

Ang mga Pilipino Otaku Fans, sinusunod lamang nila yung pinapauso at pinapapatok ng ibang bansa, dahil mas kumpleto at hindi sila nagbabato ng pili lamang sa mga Pilipino.

Kaya nalaman natin yang anim na uri ng Anime/J-Pop Events na puedeng ganapin sa Pilipinas, upang alam nila kung maliit hanggang malaki-laki ang napupuntahan nila, dapat nilang alamin kung diyan ba sa anim na uri ay makakatipid ka ba o talagang malaki ang gagastusin mo sa event nila.

Dapat maglaan lang ng tamang budget, bago pumunta sa Anime/J-Pop Events, upang hindi maubos ang pera sa mga bagay na iyong mabibili mo at sa kakailanganin mo.

Patunay na hindi lahat ng Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay parehas, kumpleto, at perpekto, dahil magkaiba ang lahat, minsan pumapalya, at minsan pumapasa, depende sa pasya ng mga Otaku Fans.

Featured Post by A and R Community

NSI-9: Ano Nga Ba Ang Ibig Sabihin Ng Small, Medium, Large, Minor, Major, At Grand Sa Mga Anime/J-Pop Events Sa Pilipinas? (Special Issue)

NSI-9: Ano Nga Ba Ang Ibig Sabihin Ng Small, Medium, Large, Minor, Major, At Grand Sa Mga Anime/J-Pop Events Sa Pilipinas? Marami o iilang A...

Ranked Popular Post (Changes will apply if they view it again)