NSI-4: Bakit Nahahayaan Lamang Ng Mga Anime/J-Pop Events Sa Pilipinas Na Walang Japanese Guests Sa Bawat Events Nila?
Sa mga pangyayari sa loob ng Pilipinas, kada lumilitaw sa Kamaynilaan, ang mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, kada taon. Subalit, halos ang mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay hindi gaanong nakakalikom ng maraming tao, dahil sa kalaban nila na k-pop at iba pang events na sinusuportahan ng mga normies at ng mga huwad na otakus sa Pilipinas.
Pero ang mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay nakaka-survive sila sa ganyang labanan, dahil sa maliit lang sila at hindi gaano kalaki ang ginagawa nilang events, marahil hindi alam ng mga Anime/J-Pop Fans na parang sapat na nga sa kanila, subalit ang totoo ay mayroon silang kulang sa bahagi.
Ito yung mga Anime/J-Pop Events na di-umano'y wala silang maihandog na Japanese Guests, kahit cosplayers o artists na galing ng Japan, o kaya laro na galing sa Japan, o kaya VA's na galing ng Japan, halos ito'y nahahayaan lamang nila maka-survive ng walang kahit isang Japanese Guests.
Siguro ito yung dahilan, kung bakit kasi ang Anime/J-Pop Event organizers sa Pilipinas ay hindi kasi gaano kumikita ng kalaki, dahil karamihan kasi ng mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay hinahayaan lamang nila umasa lang sa libre, pero mayroon naman silang ticketing system, hindi naman lahat palaging libre ang admission ng mga Anime/J-Pop Events kada taon.
Alam naman kasi natin yung mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, kung bakit kasi ang walang Japanese Guests ay dahilan mismo ng mababang kita ng Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, kasi halos ang mga Anime/J-Pop Events kasi sa Pilipinas ay pawang nasa 'small and medium' scale ang mga Anime/J-Pop Events na pinagdadausan sa Pilipinas. Pero hindi lang yan, mayroon ring minor, mayroon ring major, at mayroon ring grand. Eh kaso kokonti lang kasi ang major at grand na Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, dahil nga, hindi kasi lahat ng Anime/J-Pop Events ay afford nila ang Japanese Guests. Kaya ang kanilang igine-guest nila ay mga international cosplayers, dahil yun lang kasi ang kaya ng karamihan ng small scale na Anime/J-Pop Events sa Pilipinas.
Kasi alam naman natin yung lagay ng mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, hindi kasi gaano malaki ang kita ng Anime/J-Pop Events, dahil nga sa patuloy silang kinukumpitensiya ng mga k-pop events.
Alam naman natin kasi ang Mega Manila, dominado kasi ng mga k-pop at ng mga normal na entertainment sa Pilipinas. Eh ang mga Otaku Events kasi, talagang outnumbered na ang kasikatan nila sa Pilipinas, dahil nga sa dumadami kasi ang mga Pnoys na mahilig sa k-pop at non-japanese content. Yun kasi ang naging dahilan ng hindi pagsikat ng Japanese Pop Culture.
Yun kasi, madalas ang mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay umaasa lang sila sa mga non-anime games, non-japanese guests, at madalas ang pagkakatalo nila sa malaking kalaban na dominado sa buong Mega Manila. Mismo kasi, hindi kayang makipagkumpitensiya sa mga naglalakihang mga events na gaya ng k-pop concerts, k-pop fanmeets, at k-pop tours, na siya ring kalaban ng mga Otaku Events sa Pilipinas, kasi wala silang laban doon sa dami ng mga tao na dumadalo sa k-pop.
Yung umaasa lang kasi ang mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, diyan lang sa cosplay, dahil yun lang kasi ang popular kesa sa Otaku, eh outnumbered kasi ang Otaku at hinihiwalay nila kasi ang Cosplay sa Otaku. Kaya alam naman natin kasi na hindi kasi kumpleto ang Anime/J-Pop Events, kung palaging nagkakabaha-bahagi o kaya nagkakawatak-watak, dahil nga sa bahagi na hinihiwalay nila ang Otaku sa Cosplay, wala talagang mangyayaring kasikatan ng Otaku sa Pilipinas. Kaya talagang wala silang maidugtong na maaaring makapagpasikat sa Pilipinas.
Malamang na hindi kasi marunong makaintindi ang mga Pilipino Anime/J-Pop Fans, dahil nga sa uso ang Cosplay, eh ang Otaku naman ang pinapalaos nila. Kaya lumilikha sila ng pagiging huwad na otaku sa Pilipinas, dahil gustong humiwalay ang Cosplay Community sa Pilipinas sa Otaku.
Kaya hindi talaga makakapagpasikat ng Japanese Pop Culture ang Pilipinas, kapag pinag-away nila ang Cosplay at Otaku, dahilan mismo ng kanilang kaligtasan sa mga babaeng Pilipino.
Ngunit hindi lang yan, umaasa kasi sila sa mga local performers na dati ring kalahok ng J-Pop Anime Sing and Dance Contest sa Pilipinas noon na ngayon ay sila na ang tumatayong performers ng Anisong, J-Pop, at J-Idol, sila rin ang kumukumpleto sa araw ng mga Anime/J-Pop Fans, kahit wala silang maihandog na Japanese Guests. Alam naman kasi natin na sinanay ang mga Pilipino Anime/J-Pop Fans na sila muna ang mag-perform niyan, para kumpletuhin ang bahagi ng Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, subalit, hindi naman tayo napapansin sa international.
Kaya alam natin na hindi kasi sapat ang ganung gawi ng mga Anime/J-Pop Event organizers sa Pilipinas, kasi, dahil wala silang malaking kita, alam naman natin kasi ang lagay ng Anime/J-Pop Events nila, small scale ang kanilang event, afford lang nila ang mga locals, siyempre, kailangan pa nilang manghikayat ng mga tao, kahit doon pa sa mga libre na Anime/J-Pop Events sa Pilipinas.
Eh kung tutuusin, mahina kasi ang kita ng mga small and medium na Anime/J-Pop Events, hindi sila nakakaabot sa major or grand, o kaya naman minor nga, bumabalik sa pagiging small and medium scale na Anime/J-Pop Events. Siguro kahit hindi lang sa libre, pati na sa may bayad pa.
Malamang na hindi napapansin sa madla ang mga kaganapan na Anime/J-Pop Events, dahil ang pansin kasi ng mga Pilipino ay yung mga events na dinadaluhan ng mga Pnoys at Pnoy Kpop Stans.
Siyempre, sa hirap magtagumpay ang isang Anime/J-Pop Events sa Pilipinas na walang Japanese Guests, lagi silang nade-dehado ng mga k-pop concerts, fanmeets, at tours ng mga k-pop stars tuwing Sabado, Linggo, o parehas. Wala kasi silang makuha na Japanese Guests, dahil sa hindi naman malaki ang venue ng Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, talagang umaasa lang sila sa Cosplayers sa Pilipinas at mga local singers and dancers sa Pilipinas. Yun lang ang kaya kasi nila riyan.
Wala kasing kakayanan magkuha ng Japanese Guests ang mga di-kilalang Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, kasi halos lahat ng Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay pawang locals lang ang kinukuha nila.
Pero pag international, hindi sila kumukuha ng Japanese, kahit isa, talagang bagsak kasi ang Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, sa mga ibang bansa na hindi Japanese.
Malamang na hindi kasi marunong sa istratehia ng pa-events ang mga Anime/J-Pop Event organizers sa Pilipinas, kasi halos pansin na natin na wala na silang ticketing system, o kaya mura ang ticketing system, eh ano pa ang magiging kalalagyan niyan. Siyempre, nagiging small scale ang dating.
Ang small and medium scale na Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, hindi talaga nakakarating sa minor o sa major, kasi halos wala silang maipundar na puedeng makahikayat ng maraming Pilipino Anime/J-Pop Fans. Siyempre, kahit mag-survive sila ng walang Japanese Guests, hindi talaga sisikat ang Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, kapag walang Japanese Guest na kahit isa.
Alam naman natin na kahit gaano kaliit ang Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, puede naman sila mag-imbita ng isa lang, hindi yung maramihan o higit sa isa lang na gaya ng mga malalaking Anime/J-Pop Events sa Pilipinas na kayang mag-imbita ng 2 o higit na Japanese Guests.
Kasi, ang Pilipinas lang ang hindi naman gaano mayaman sa Anime/J-Pop Fandom, dahil nga marami sa mga Pilipino Anime/J-Pop Fans ang lumilipat sa kalaban ng mga Pilipino Otaku Fans.
Alam naman natin na hindi talaga nakatulong sa mga Anime/J-Pop Event organizers sa Pilipinas na wala silang maimbitahang Japanese Guests, dahil nga lang sa focus lang sila sa mga international Cosplayers at sa mga local performers. Siyempre, kung mapapansin yan sa ibang bansa yang Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, mababalita pa rin yan, dahil nagkaroon sila ng isang Japanese Guest.
Eh talagang nananaginip na lang sila na magkaroon ng isang Japanese Guests sa mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, eh hindi naman talaga natutupad yan sa totoong buhay.
Kasi, halos ang Pilipinas ay wala talaga silang hilig sa mga Anisongs, J-Pop, at J-Idol, dahil nga sa dami ng mga Pnoys na mahilig sa mga bulaang j-pop. Oo, napapansin natin kasi ang bansang Pilipinas na pugad na talaga ng makasarili at ng mga makapili na Pilipino.
Alam natin kasi ang isipan ng mga Pilipino na wala talaga silang hilig sa kagustuhan ng mga Pilipino Otaku Fans. Mismo, maraming kabataang Pilipino ang walang alam sa Japanese, dahil nga sa mga dominado ng Korea, ng America, at ng sariling atin, ang buong Pilipinas.
Kaya, kita naman natin kasi ang Pilipinas ay hindi nila kayang tanggapin ang Japanese, dahil lamang kasi namimili ng anong puedeng pasikatin at pausuhin sa Pilipinas. Siyempre ang Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, nasabi na natin na dehado sila ng mga k-pop na yan na sumisira sa araw ng mga Anime/J-Pop Events, dahil kasi sa bigat ng pangungumpitensiya ng mga sikat na Koreano.
Masakit talaga sabihin ang totoo, kasi nga, wala kasing sapat na budget para sa Japanese Guests, ang mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, dahil sapat lang ang budget nila sa mga Cosplayers at sa mga local performers na tumatayong mga guests nila sa Anime/J-Pop Events sa Pilipinas.
Kasi kung mayaman sana ang Pilipinas na parang katulad sa Singapore, Thailand, at Indonesia na kaya nila ang Japanese Guests kesa sa local performers lang, alam natin na mataas ang kalidad na kinukuha nila kesa sa Pilipinas na pili lamang at laging laktaw at hindi kumpleto.
Kasi kung sa mga major or grand na Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, nakaka-survive sila, dahil nakakapag-imbita sila ng Japanese Guest. Yun nga lang pili lamang, mababa ang kalidad, yung hindi sikat o talagang pinili nila yung hindi kumpleto at pili lamang na awitin na bagay sa pandinig nila.
Malamang sa tagal na ng mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas na nag-survive ng walang Japanese Guests, pero pagdating doon sa mga malalaking Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, ang mga Anisong performers ay magpe-perform lang ng hindi kumpleto, laktaw, at pili lamang na puede sa pandinig ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans, talagang mali ang ginagawa ng mga organizers ng Anime/J-Pop Events sa Pilipinas. Maituturi ring hindi kumpleto ang Anisong na pine-perform ng Japanese Guests na inimbita nila. Yun nga lang marami na kasing 1st OP ng 1st Season ang nalaktawan, napupunta na kaagad sa 1st ED ng 1st Season o kaya napupunta na kaagad sa ibang OP ng ibang season, talagang hindi nga kumpleto kapag wala ang nauna kesa sa iba pa.
Minsan kasi nag-iimbita sila ng kilalang grupo, kaso soloist lang, wala ang kasama nila, yun talaga kulang at hindi kumpleto. Malamang ang mga organizers ng malalaking Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay nakaranas lang sila ng low experience, dahil nga sa mga di-kumpletong Anime/J-Pop Concerts ng ibang Anime, at ang na-experience nila ay parang tinanggap lang nila ng kusa na lang.
Alam natin na hindi talaga perpekto ang Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, kung ang J-Idol na inimbitahan nila ay soloist lang o di kaya full, kaso ibang team o ibang grupo na ang guest nila.
Siyempre, hindi nila naabutan ang unang J-Idol, dahil nag-graduate na, kaya ang nag-perform sa Pilipinas ay ibang team na o ibang grupo na. Siyempre, tinanggap nila na yun lang ang kilala nila.
Kawawa kasi ang Pilipinas, kung tatanggapin lang nila yung solo lang, iba na, hindi ganun ang hanap ng mga Pilipino Otaku Fans. Dapat kumpleto at hindi basta diretso sa iba.
Hindi sisikat ang Anime at J-Pop sa Pilipinas, kung namimili sila ng guests na gustong i-perform ang laktaw, ang di-kumpleto, at ang pili lamang. Talo ang mga malalaking Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, dahil namimili lamang sila ng hindi naman patok sa mga Anime Fans sa ibang bansa.
Kaya suriin muna kung ano ang inawit na Anisong, saang grupo ba ang J-Idol na to, tingan muna kung bago lang sila o iba na ang pumalit, para alam ng mga Otaku Fans na hindi sila nagpapahuli sa uso ng Anime at J-Pop. Kaya kailangan nilang alamin bago sila magtungo sa mga Anime/J-Pop Events.
Kasi ang Pilipinas, ang mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas na malalaki, tanggap lang sila ng tanggap ng mababang kalidad, kaya sa mga locals na lang ang kumukumpleto, dahilan para yun lang ang nagpapasikat ng Anisong, ng J-Pop, at ng J-Idol performance sa mga Pilipino Anime/J-Pop Fans.
Kasi ang mga Anime/J-Pop Event organizers sa Pilipinas ay nahahayaan lamang nila na wala munang Japanese Guests, alam mo na yan, gusto lang piliin ang magpe-perform 1st OP ng 1st Season ng mga shounen at otome anime, yun ang mali talaga sa mga organizers sa Pilipinas.
Pati kumukuha sila ng Anisong Artists na nagpe-perform lamang ng laktaw, gaya ng 1st ED lang ng bawat 1st Season ng Anime ang pine-perform nila, o kaya ibang OP ng ibang season ng Anime ang pine-perform niya, hindi talaga kumpleto kapag wala ang unang OP ng ibang anime na hindi otome at hindi shounen. Yan kasi ang mali na nakukuha ng mga Anime/J-Pop Event organizers sa Pilipinas.
Yung pag-imbita nila ng J-Idol na soloist lang, hindi sapat yon. Dapat kumpleto at magkakasama sila. Kasi ang mga Anime/J-Pop Event organizers sa Pilipinas, gusto nila ng kulang, alam natin na babagsak talaga sa wala, ang mga Pilipino Anime/J-Pop Fans, dahil sa ganung paraan nila.
Siyempre, pati VTubers na iniimbita nila ay puro lalake, alam natin na mali rin ang mga malalaking Anime/J-Pop Event organizers sa Pilipinas, dahil hindi naman kasi sikat ang mga lalakeng vtubers.
Nakita nga natin na puro babae ang hinahanap ng karamihang Anime/J-Pop Fans sa ibang bansa. Sa Pilipinas kasi, ang hilig hilig kasi sa puro lalake, kaya wala silang maipasikat na puro babae naman.
Mali ang mga organizers sa Pilipinas. Mababa kasi sa kalidad ang mag-imbita ng lalakeng vtubers.
Kahit sabihin natin yung totoo, hindi talaga maganda sa Pilipinas na namimili sila ng puedeng i-guest sa Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, kasi ang ibang Japanese Guests, hindi nila napagbibigyan, nahahayaan lamang nilang mag-imbita ng mga hindi popular at hindi naman kilala sa ibang bansa.
Siyempre, lahat tanggap, hindi yung namimili sila ng puede sa pandinig at paningin ng mga Pilipino.
Alam naman natin na hindi palaging namimili lang ng puede sa mga Pilipino, talagang bagsak ang Anime/J-Pop Fandom ng Pilipinas, dahil sa ginagawa ng mga Anime/J-Pop Event organizers sa Pilipinas. Tingan natin yung maliliit, hindi sila makagamit ng mga sikat na Japanese Guests, dahil inasa lang nila sa locals only, mahina ang Anime/J-Pop Events nila na maliit lamang.
Eh ang malaking Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, talagang baligtad at hindi naman talaga tugma ang nakukuha nila, pawang iba, at hindi naman talaga hanap ng mga Otaku Fans.
Kaya ang resulta doon sa mga maliliit at malalaking Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, nahahayaan lamang nila na wala silang maimbitahan na Japanese Guests, kahit isa, kaya alam natin na namimili lang sila na puedeng ipasikat sa Pilipinas kesa sa lahat na puedeng ipasikat sa Pilipinas.
Alam naman natin kasi na hindi kumpleto ang Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, kaya halos ang kalaban ng mga Anime/J-Pop Events ang laging nananalo, dahil nakukumpleto sila sa mga events nila. Alam naman natin na laging talo ang mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas sa kumpitensiya ng mga kalaban ng mga Anime/J-Pop Fans, kasi dahil wala kasing Japanese Guests na mataas sa kalidad.
Yan sana ang ipasok sa isipan ng mga Anime/J-Pop Event organizers sa Pilipinas, para hindi sila matalo ng mga kalaban ng mga Anime/J-Pop Fans. Yun kasi, para alam ng mga Otaku Fans na laging nagtatagumpay ang kanilang events na mayroong isang Japanese Guests.
Kahit sabihin natin na maliit lang tayo, kaya natin, ibuhos natin ang suporta sa mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas na nangangailangan ng tulong, para pasikatin sa maraming Pilipino ang Anime/J-Pop sa Pilipinas. Yun lang naman ang gagawin ng mga organizers. Kumuha lang sila ng isa, huwag maramihan. Hindi naman tayo mayamang bansa, para mag-imbita ng maraming Japanese Guests.
Alam naman natin kasi na kahit talaga na hindi kaya, kaya pa rin natin ibuhos ang pera sa isa lang.
Madali lang naman makuha yan. Hindi yung pipitsugin lamang ang ating pagbibigyan, pagbigyan natin yung mga J-Pop Artists, Anisong Artists, o J-Idol na hindi pa nakakapag-perform ng 1st time sa Pilipinas. Siyempre, hindi naman kasi tayo namimili lang ng hindi naman mataas sa kalidad.
Alam natin yang mga malalaki na Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, kahit pumili sila ng mababa at hindi naman sikat, o hindi naman popular ang kinukuha nila, o hindi nila magaya yung nasa ibang bansa, talagang babagsak kasi ang Anime/J-Pop Events sa Pilipinas sa maling pagpili ng guest nila.
Napansin niyo nga yung isa na Anime/J-Pop Events sa Pilipinas na puro shounen at otome ang Anisong na kinukuha nila, puro 1st ED ang performer nila, puro ED lang ang kinukuha nila, pawang laktaw pa sa 1st Season ang kinukuha nila, ibang team ang kinukuha nila, soloist lang na hindi kasama ang kanilang kagrupo ang kinukuha nila at marami pa, talagang hindi sapat ang kanilang Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, dahil nga sa maling pagpili nila ng kanilang ige-guest nila sa Anime/J-Pop Events.
Yan ang totoo na sinasabi natin sa kanila, kasi karamihan sa mga maliliit na Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay umaasa lang sila sa mga local performers at sa mga cosplayers sa ibang bansa na hindi galing sa Japan. At hindi lang yan, wala kasi silang maibandera na Anime, na Anime Games, talagang sadya lang nila ang Cosplay, kesa sa kumpleto na Otaku Experience sa Pilipinas.
Mismong hindi kasi nagtatagumpay ng husto ang mga maliliit na Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, dahil nga sa malaking kalaban nila na k-pop. Yun nga lang ang hindi kaya ng mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, dahil nga sa walang Japanese Guests ang kanilang Anime/J-Pop Events nila.
Kahit ganun naman sa malaki, minsan ang mga malalaking Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay wala silang Japanese Guests, namimili lang sila sa ibang Anime/J-Pop Events sa Pilipinas na malalaki, kaso ang sistema na pinipili nila ay pili lamang at palaging laktaw at kulang ang performance ang nakukuha nila. Siyempre, kahit sa hiwalay na Anime/J-Pop Events na gaya ng J-Pop Concerts sa Pilipinas ay talagang kapit kasi ang organizers sa Pili lamang kesa sa kumpleto.
Mismong hindi kasi naririnig ng karamihang Pilipino Anime/J-Pop Fans at ng mga Pilipino Otaku Fans ang sinauna, kaya napupunta lamang sa wakas, napupunta lamang sa bago na, napupunta sa pili na tema ng Anime, napupunta sa ibang season ng Anime, di-kumpleto na grupo o soloist lang na idol group member, ibang team ng idol group, at mismo isang kasarian lang ang alam na gustong iparinig sa marami. Yan ang mali na ginagawa ng mga Anime/J-Pop Event Organizers sa Pilipinas, dahil nag-iimbita sila ng mababang kalidad ng J-Pop sa Anime/J-Pop Events sa Pilipinas.
Yan ang malaking kamalian na nagawa mismo ng isa sa iilang malalaking Anime/J-Pop Events sa Pilipinas. Alam naman natin kasi na nahahayaan lamang nila na mag-imbita ng mababa ang kalidad.
Mismo ang maliit ay umaasa lang sa wala, umaasa lang sa panaginip lang, umaasa lang sa cosplay ng ibang bansa, umaasa lang sa local performers o sa talentadong singers and dancers sa Pilipinas, talagang patay ang kanilang Anime/J-Pop Events, dahil nga maliit lang kasi ang kita nila, dahil lagi silang nagpapalibre ng admission kesa gumamit sila ng ticketing system sa kanilang Anime/J-Pop Events. Kaya sila hindi gaano nakaka-generate ng kanilang kita, dahil sa libreng entrance sa event.
Mismo pati sa malalaking event, minsan lang nagpapalibre ng entrance, madalas na silang gumagamit ng ticketing system, kaso ginagawa lang nila na mababa ang presyo, dahil wala silang makuhang Japanese Guests, Anime, Anime Games, VA's o Seiyuus, Japanese Cosplayers, Manga Authors and Creators, at marami pa, talagang umaasa lang sila sa international cosplayers.
Siyempre, halos kasi umaasa lang sila sa mga international cosplayers, dahil yun lang ang kanilang kaya nila, kahit malaki ang kita nila sa ticketing system sa Anime/J-Pop Events nila.
Mismong wala silang maimbitahan na Artists na gumagawa ng illustrations, halos paano matututo mag-drawing ang mga Anime/J-Pop Fans sa Pilipinas, kung ginagawa nila kasing common o normal ang Cosplay. Kaya hindi sila nagiging Otaku, kasi hiniwalay nila ang Cosplay sa Otaku.
Alam naman natin kasi ang mali sa sistema ng Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, kasi halos gustong gawing pang-Normie ang buong Anime/J-Pop Events sa Pilipinas.
Hindi nila alam kung paano sila makakagawa pa ng illustrations ng Anime mula sa mga Japanese o non-japanese na illustrators. Kasi ang Pilipinas ay talagang mahina sila sa Otaku kesa sa mga Pilipino Otaku Fans na nilalahat nila ang aktibidad ng mga uri ng Otaku sa kanilang komunidad.
Eh ang mga Pilipino Anime/J-Pop Fans kasi, palibhasa kasi, ang natutunan lang nila kahit walang Japanese Guests ay natuto lang sila sa mga locals, natuto lang sila sa mga cosplayers.
Kaya ang mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay wala silang alam talaga, kundi ang patuloy lang nila sa pag-iimbita ng mga international cosplayers at sa mga local performers, kesa sa Japanese Guests.
Kaya itong mga maliliit at malalaking Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, kung susuriin mo sila, hindi talaga pasado sa pagiging fully major o pagiging grand na Anime/J-Pop Events sa Pilipinas.
Mismong bagsak pa rin sila sa small, medium, at minor. Hindi kasi gaano abot sa marami, dahil ang kalaban lang ng Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ang nagpapabagsak sa kanila, dahil wala silang kakayanan magtagumpay ang mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas na walang Japanese Guests.
Siguro kung naiintindihan ninyo ang aming pagtalakay sa issue na yan, sana maging aral yan sa mga Pilipino Anime/J-Pop Fans, dahil hindi naman talaga fully 100% Otaku ang kanilang Anime/J-Pop Events. Kaya alam natin na hindi kasi perpekto ang Anime/J-Pop Events sa Pilipinas.
Ngayon nalaman natin yang totoo na hindi talaga lahat ng Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay may kakayanan sila makakuha ng Japanese Guests, dahil ang Japanese Guests nila na nakukuha ng ibang Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay pawang hindi talaga patok at laging iba ang kanilang pine-perform. Alam naman natin na hindi lahat ng mapansin natin ay yun ang sikat sa marami.
Tandaan natin yung sinabi natin na hindi tunay na Otaku ang mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, kung wala ang Japanese Guests at iba pa. Hindi lagi na lang tayo nakadikit sa basics na gaya ng cosplay at local performers lang, kulang talaga ang ganung uri ng sistema sa Anime/J-Pop Fandom.
Kaya habang may oras pa ang mga organizers ng Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, itama nila yan, at ituwid nila yan, para pagdating ng panahon ay mas lalakas pa ang kasikatan ng Otaku-Akiba/Japan Pop Culture sa Pilipinas, kapag mayroong mataas na kalidad sila na inimbitahan na Japanese Guests sa bawat Anime/J-Pop Events sa Pilipinas na dapat ring malaman ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans.